Ito ay isang savings account para sa mga Pilipino na ibig simulan makaipon sa bangko kahit sa maliit na halaga lamang.
Kailangan lamang mag-present ng isang valid ID at paunang deposito ng PhP100 para makapa-bukas ng Solo Basic Savings Account.
Ikaw ay makakakuha ng libreng passbook na maaari mong gamitin sa iyong mga over- the-counter na transaksyon sa bangko. Ito ay iyong magagamit sa pag-monitor ng iyong savings.
Hindi kailangan mag-maintain ng balanse para sa iyong Solo Basic Savings Account kaya pag-iipon ay ayon lang sa iyong kayang itabi.
Ito ay may kinikitang interest rate per annum na 0.5% na papapasok sa iyong Solo Basic Savings account tuwing pagkatapos ng buwan.
Pumunta lamang sa kahit saang Sterling Bank of Asia branch para mag-deposit sa iyong account.
Maaari kang mag-withdraw nang kahit magkanong halaga na pasok sa balance ng iyong bank account sa kahit saang Sterling Bank of Asia branch na malapit sa iyo.

